Sa wakas! Nakawala ako sa sangkaterbang trabaho, bagama't panandalian lang. Hindi sa nagrereklamo ako (mas gugustuhin ko na hindi ako magkandaugaga sa trabaho, kesa naman sa walang ginagawa), marami lang talaga akong gusto at kailangan pang gawin.
Nagkaroon na naman ako ng dahilan para gumawa ng isang "All-Pinoy Playlist". Ang buwan ng Agosto ay ang itinalagang Buwan ng Wika o "Language Month". (Yun nga lamang, ano nga ba talaga ang wikang Pilipino? Para sa akin ay mas nababagay sa ibang blogsite o pulong ang mga diskusyon patungkol sa isyu na ito.) Eto ang unang bahagi ng kontribusyon ng Trash Radio Manila sa pagtanaw sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Mga awitin:
1. BUKLOD - "Tatsulok"
2. YFC - "Ugat Ng Kasamaan"
3. SKY CHURCH - "Delubyo"
4. DEAR DINGO - "Tumahimik Ka"
5. THE WUDS - "Patay Buhay"
Malamang ay kilala ninyo ang halos lahat ng nabanggit na mga banda. Kailangan pa bang ipakilala ang Buklod? (Eto lang naman kasi ang alam kong bersiyon ng "Tatsulok".) Ang bandang YFC (madali namang hulaan kung ano ang ibig sabihin ng pangalan nila) ay mula sa Imus, Cavite. Ang "Ugat Ng Kasamaan" ay halaw sa kompi album na "This Is Cavite Not LA".
Kung meron kayong "Unaware Unwarned" na album ay maaalala nyo ang kantang "Delubyo" ng Sky Church. Samantala, lumabas naman ang "Tumahimik Ka" ng bandang Dear Dingo (banda ng namayapang bokalista na si Vince Go) sa kompi na "Sa Silong Ng Mundo". Ang huling awitin ay ang walang kamatayang "Patay Buhay" ng The WUDS.
May pangalawang bahagi pa ito, medyo maikli lamang muna ang playlist (kasing-ikli ng kakayahan kong magtagalog ng maayos). Sana'y nagustuhan niyo ang hinanda ko para sa inyo. Kita kita ulit sa mga susunod na araw.
Mga larawan ni Manuel L. Quezon at The WUDS sa itaas.
Thursday, August 13, 2009
Mga Awit Para Sa Buwan Ng Wika: Unang Bahagi
Posted by Marika and friends at 12:13 AM
Labels: Buklod, Buwan ng Wika, Dear Dingo, Manuel L. Quezon, Sky Church, tatsulok, The WUDS, Vincent Go, YFC
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment