Showing posts with label Independence Day. Show all posts
Showing posts with label Independence Day. Show all posts

Friday, June 11, 2010

Ngayon, Ika-12 ng Hunyo, ay Araw Ng Kalayaan

Ang kalayaan ay isang karapatan.

Independence Day 2010: Muli, Ang Paggunita Sa Araw Ng Kalayaan

Patawarin ninyo ako kung magsusulat ako sa aking sariling wika at hindi ninyo ako maiintindihan. Sa aking palagay ay nararapat lang na sa pagkakataong ito na malapit na ang araw ng kalayaan ay magsulat ako sa salitang sariling akin (sa pagkakataong ito, magsusulat ako sa Tagalog dahil ito ang pinakaalam ko at hindi dahil may kinikilingan akong diyalekto).

Pero, tama na ang mga mabulaklak na mga salita. Nakaugalian na namin sa Trash Radio Manila na maglabas ng isang programa ng mga awiting Pinoy. Ngayong taon, eto ang aking handog. Hindi ako sumablay, hahah! Kasi naman, ispesyal ang pagdiriwang na ito ng Araw ng Kalayaan. Magtatapos na ang halos isang dekada ng pagkapangulo ni Ginang Arroyo, at ang masasabi ko lang ay ...

Hay salamat.

Hindi maikakaila na marami pa rin ang naniniwala sa demokratikong paraan ng pagpili ng ating mga pinuno, at marami pa rin ang umaasa na magbabago ang Pilipinas, na may pag-asa pang magamot ang mga karamdaman ng ating lipunan. Sana nga ay magkaroon na ng pagbabago. Hindi madaling gawin ito. Palasak man ang mga salitang ito, subalit kailangan pa ring maging mapagmatyag, mapagmasid, mag-isip, gumalaw, bantayan ang ating kalayaan. Tayo rin ay nangangailangang maging mapagsuri ... maging ng ating mga sarili. Ano ba talaga ang ating pakay sa buhay?

Narito ang listahan ng mga awitin. Palagay ko, di na kailanagn pa ng pagpapakilala sa mga banda. Naisip ko lang, di ko pa pala napapatugtog rito ang Cocojam at Indio I. Sana ay maibigan ninyo ang mga ito.

1. Lady I - "Freedom Intro" [Siya rin si Irene Tengasantos, anak ng mag-asawang Chong at Chang ng Reggae Mistress.]
2. ETHNIC FACES - "Balikbayan"
3. COCOJAM - "batang Maynila"
4. COFFEE BREAK ISLAND - "Pakikinggan"
5. PINKCOW - "Changes (Justice Not Politics)"
6. INDIO I - "Mag-Ingay" [Kasama sa mga nagsulat at umawit ng awiting ito sina Myra Ruaro a.k.a. Skarlet at Bing Austria ng Juan Pablo Dream]
7. INDIO I - "Harana"
Mabuhay tayong lahat! Kita kita sa tugtugan.

Wednesday, June 11, 2008

Para Kay Ina

Ano ba ang araw ng kalayaan? Naghahanap ako ng sagot, at eto ang aking nakita.
Si Tandang Sora. At dagli ay mayroon akong naalala....

nakita ko si tandang sora, at naalala kita...mahal kita, ina....
naalala ko ang iyong nilagang baka at tinolang manok, ang iyong mga mapagpalang kamay.
sayang at hindi tayo nagpunta sa dalampasigan sa huling pagkakataon.