Patawarin ninyo ako kung magsusulat ako sa aking sariling wika at hindi ninyo ako maiintindihan. Sa aking palagay ay nararapat lang na sa pagkakataong ito na malapit na ang araw ng kalayaan ay magsulat ako sa salitang sariling akin (sa pagkakataong ito, magsusulat ako sa Tagalog dahil ito ang pinakaalam ko at hindi dahil may kinikilingan akong diyalekto).
Pero, tama na ang mga mabulaklak na mga salita. Nakaugalian na namin sa Trash Radio Manila na maglabas ng isang programa ng mga awiting Pinoy. Ngayong taon, eto ang aking handog. Hindi ako sumablay, hahah! Kasi naman, ispesyal ang pagdiriwang na ito ng Araw ng Kalayaan. Magtatapos na ang halos isang dekada ng pagkapangulo ni Ginang Arroyo, at ang masasabi ko lang ay ...
Hay salamat.
Hindi maikakaila na marami pa rin ang naniniwala sa demokratikong paraan ng pagpili ng ating mga pinuno, at marami pa rin ang umaasa na magbabago ang Pilipinas, na may pag-asa pang magamot ang mga karamdaman ng ating lipunan. Sana nga ay magkaroon na ng pagbabago. Hindi madaling gawin ito. Palasak man ang mga salitang ito, subalit kailangan pa ring maging mapagmatyag, mapagmasid, mag-isip, gumalaw, bantayan ang ating kalayaan. Tayo rin ay nangangailangang maging mapagsuri ... maging ng ating mga sarili. Ano ba talaga ang ating pakay sa buhay?
Narito ang listahan ng mga awitin. Palagay ko, di na kailanagn pa ng pagpapakilala sa mga banda. Naisip ko lang, di ko pa pala napapatugtog rito ang Cocojam at Indio I. Sana ay maibigan ninyo ang mga ito.
1. Lady I - "Freedom Intro" [Siya rin si Irene Tengasantos, anak ng mag-asawang Chong at Chang ng Reggae Mistress.]Mabuhay tayong lahat! Kita kita sa tugtugan.
2. ETHNIC FACES - "Balikbayan"
3. COCOJAM - "batang Maynila"
4. COFFEE BREAK ISLAND - "Pakikinggan"
5. PINKCOW - "Changes (Justice Not Politics)"
6. INDIO I - "Mag-Ingay" [Kasama sa mga nagsulat at umawit ng awiting ito sina Myra Ruaro a.k.a. Skarlet at Bing Austria ng Juan Pablo Dream]
7. INDIO I - "Harana"
No comments:
Post a Comment