
Friday, June 11, 2010
Ngayon, Ika-12 ng Hunyo, ay Araw Ng Kalayaan
Posted by
Marika and friends
at
8:06 PM
0
What say you?
Labels: Araw ng Kalayaan, Independence Day, Maria Clara dress
Independence Day 2010: Muli, Ang Paggunita Sa Araw Ng Kalayaan
Patawarin ninyo ako kung magsusulat ako sa aking sariling wika at hindi ninyo ako maiintindihan. Sa aking palagay ay nararapat lang na sa pagkakataong ito na malapit na ang araw ng kalayaan ay magsulat ako sa salitang sariling akin (sa pagkakataong ito, magsusulat ako sa Tagalog dahil ito ang pinakaalam ko at hindi dahil may kinikilingan akong diyalekto).Pero, tama na ang mga mabulaklak na mga salita. Nakaugalian na namin sa Trash Radio Manila na maglabas ng isang programa ng mga awiting Pinoy. Ngayong taon, eto ang aking handog. Hindi ako sumablay, hahah! Kasi naman, ispesyal ang pagdiriwang na ito ng Araw ng Kalayaan. Magtatapos na ang halos isang dekada ng pagkapangulo ni Ginang Arroyo, at ang masasabi ko lang ay ...
Hay salamat.
Hindi maikakaila na marami pa rin ang naniniwala sa demokratikong paraan ng pagpili ng ating mga pinuno, at marami pa rin ang umaasa na magbabago ang Pilipinas, na may pag-asa pang magamot ang mga karamdaman ng ating lipunan. Sana nga ay magkaroon na ng pagbabago. Hindi madaling gawin ito. Palasak man ang mga salitang ito, subalit kailangan pa ring maging mapagmatyag, mapagmasid, mag-isip, gumalaw, bantayan ang ating kalayaan. Tayo rin ay nangangailangang maging mapagsuri ... maging ng ating mga sarili. Ano ba talaga ang ating pakay sa buhay?
Narito ang listahan ng mga awitin. Palagay ko, di na kailanagn pa ng pagpapakilala sa mga banda. Naisip ko lang, di ko pa pala napapatugtog rito ang Cocojam at Indio I. Sana ay maibigan ninyo ang mga ito.
1. Lady I - "Freedom Intro" [Siya rin si Irene Tengasantos, anak ng mag-asawang Chong at Chang ng Reggae Mistress.]Mabuhay tayong lahat! Kita kita sa tugtugan.
2. ETHNIC FACES - "Balikbayan"
3. COCOJAM - "batang Maynila"
4. COFFEE BREAK ISLAND - "Pakikinggan"
5. PINKCOW - "Changes (Justice Not Politics)"
6. INDIO I - "Mag-Ingay" [Kasama sa mga nagsulat at umawit ng awiting ito sina Myra Ruaro a.k.a. Skarlet at Bing Austria ng Juan Pablo Dream]
7. INDIO I - "Harana"
Posted by
Marika and friends
at
12:40 AM
0
What say you?
Labels: Araw ng Kalayaan, Cocojam, Coffee Break Island, Ethnic Faces, Independence Day, Indio I, Lady I, Pink Cow
Thursday, June 11, 2009
Mga Awit Para Sa Araw ng Kalayaan
Makalipas ang higit sa isandaang taon ng pagdiriwang ng araw na ito, kailangan pa kayang itanong sa ating mga sarili kung malaya nga ba talaga tayo? Ano sa tingin nyo?Para sa araw na ito ay naghanda ako ng anim na awitin para sa inyo.
1. "Itakas Ninyo Ako" - AXEL PINPIN at BOBBY BALINGIT
Ito ay mula sa Huling Lagapak ng Kandado, isang koleksiyon ng mga panulat ni Axel Pinpin, isang makata at isa sa bumubuo ng "Tagaytay 5" na dinukot at ipiniit sa Camp Vicente Lim mga tatlong taon na ang nakakaraan. Ang kanyang mga tula ay nilapatan ng musika ni Bobby Balingit ng WUDS.
2. "Bloody Nutter" - SEX MILITANTS
Isang kanta mula sa isa sa mga inilabas na kompilasyon ng Twisted Red Cross. Ang Sex Militants ay kilala ngayon bilang Nu Militants.
3. "Vampire Sam (The Global Order)" - THE BEAUTY OF DOUBT
Ibang bersiyon ng kilalang awitin ng grupo nina Ron Schlander. Ang bersiyon na ito ay lumabas sa album na Rock Against The Round: Musicians Against The WTO.
4. "Inutil" - HARD K
Walang halong biro, magaling na frontman si Jun Idiot at masarap panoorin. Subalit alam niyo naman lahat iyan. Ang "Inutil" ay mula sa kanilang bagong album, Life Is Pain.
5. "Life" - Delmonstros
Impresibo ang grupong ito mula sa Iligan. Silipin niyo sila sa kanilang MySpace. Ang gara rin ng mga litrato.
6. "President" - Betrayed
Lumabas ito noong 2002, at si Je Bautista ang tumugtog ng baho rito. (Ito ay isa sa mangilan-ngilan na kantang tinugtugan ni Je na naka-record.) Si Buddy Trinidad ang sumulat ng "President": pakinggan ninyong mabuti nang malaman niyo kung kanino patungkol ang awit na ito.
Maraming salamat kay Kachuki at kay Carl para sa mga voice-over.
Posted by
Marika and friends
at
10:37 AM
0
What say you?
Labels: Araw ng Kalayaan, Axel Pinpin, Betrayed, Bobby Balingit, Buddy Trinidad, Delmonstros, Hard K, Je Bautista, Sex Militants, The Beauty Of Doubt
Wednesday, June 11, 2008
Para Kay Ina

Si Tandang Sora. At dagli ay mayroon akong naalala....
nakita ko si tandang sora, at naalala kita...mahal kita, ina....
naalala ko ang iyong nilagang baka at tinolang manok, ang iyong mga mapagpalang kamay.
sayang at hindi tayo nagpunta sa dalampasigan sa huling pagkakataon.
Posted by
Marika and friends
at
11:42 AM
0
What say you?
Labels: Araw ng Kalayaan, Independence Day, Melchora Aquino, Tandang Sora