Thursday, June 11, 2009

Mga Awit Para Sa Araw ng Kalayaan

Makalipas ang higit sa isandaang taon ng pagdiriwang ng araw na ito, kailangan pa kayang itanong sa ating mga sarili kung malaya nga ba talaga tayo? Ano sa tingin nyo?

Para sa araw na ito ay naghanda ako ng anim na awitin para sa inyo.

1. "Itakas Ninyo Ako" - AXEL PINPIN at BOBBY BALINGIT

Ito ay mula sa Huling Lagapak ng Kandado, isang koleksiyon ng mga panulat ni Axel Pinpin, isang makata at isa sa bumubuo ng "Tagaytay 5" na dinukot at ipiniit sa Camp Vicente Lim mga tatlong taon na ang nakakaraan. Ang kanyang mga tula ay nilapatan ng musika ni Bobby Balingit ng WUDS.

2. "Bloody Nutter" - SEX MILITANTS

Isang kanta mula sa isa sa mga inilabas na kompilasyon ng Twisted Red Cross. Ang Sex Militants ay kilala ngayon bilang Nu Militants.

3. "Vampire Sam (The Global Order)" - THE BEAUTY OF DOUBT

Ibang bersiyon ng kilalang awitin ng grupo nina Ron Schlander. Ang bersiyon na ito ay lumabas sa album na Rock Against The Round: Musicians Against The WTO.


4. "Inutil" - HARD K

Walang halong biro, magaling na frontman si Jun Idiot at masarap panoorin. Subalit alam niyo naman lahat iyan. Ang "Inutil" ay mula sa kanilang bagong album, Life Is Pain.

5. "Life" - Delmonstros

Impresibo ang grupong ito mula sa Iligan. Silipin niyo sila sa kanilang MySpace. Ang gara rin ng mga litrato.

6. "President" - Betrayed

Lumabas ito noong 2002, at si Je Bautista ang tumugtog ng baho rito. (Ito ay isa sa mangilan-ngilan na kantang tinugtugan ni Je na naka-record.) Si Buddy Trinidad ang sumulat ng "President": pakinggan ninyong mabuti nang malaman niyo kung kanino patungkol ang awit na ito.

Maraming salamat kay Kachuki at kay Carl para sa mga voice-over.

No comments: